dzme1530.ph

Karahasan sa isang taekwondo sparring session, nais busisiin sa Senado

Pinaiimbestigahan ni Senate Committee on Sports chairman Christopher Bong Go ang sparring session ng isang yellow belter na babae laban sa isang black belter na lalaki sa isang Taekwondo class.

Labis ang pagkadismaya ni Go nang mapanood ang video ng sparring kung saan nabugbog nang husto ang 17-anyos na babae.

Ipinaalala ng senador na hindi bahagi ng sports ang anumang uri ng karahasan sa paggiit na hindi ginawa ang sports para makapanakit o makapatay ng tao.

Binigyang-diin ni Go na malaki ang responsibilidad ng trainers at coach sa insidente na dapat sana ay mga umaalalay sa atleta.

Naniniwala ang senador na hindi lang ito usapin ng mismatch kundi magingn ng paglabag sa karapatan ng isang menor de edad.

Kasabay nito, pinuri ni Go ang mga pulis sa pagsasampa ng kasong Republic Act No. 7610 or the Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act laban sa coach at ka sparring nito.

Umaasa rin ang mambabatas na susuportahan ng naturang paaralan ang biktima sa pagkamit ng hustisya.

About The Author