dzme1530.ph

Karagdagang ₱8-B para sa MAIP, health emergency benefits sa health workers, inaprubahan ng DBM

Naglabas ang Dep’t of Budget and Management ng karagdagang P8-B para sa medical assistance to indigent and financially-incapacitated patients, at health emergency benefits sa health/non health care workers.

Inaprubahan ni Budget Sec. Amenah Pangandaman ang Notice of Cash Allocation na nagkakahalaga ng P8.005 billion, na ibababa sa Dep’t of Health para sa kanilang key health programs.

P2.439 billion ang ilalaan para sa medical assistance to indigent and financially-incapacitated patients, at P5.566 billion para sa healthcare at non-healthcare workers.

Ang MAIP ay ginagamit para sa hospitalization at medical support ng mahihirap na pasyente para sa in-patient, out-patient, check-ups, at emergency services, gayundin sa pambili ng gamot at professional fees.

Saklaw naman ng PHEBA ang Health Emergency Allowance o One Covid-19 Allowance, Special Risk Allowance, COVID-19 sickness and death compensation, at iba pang benepisyo tulad ng meal and accommodation at transportation allowance.

About The Author