Inaprubahan ng National Water Resources Board (NWRB) ang karagdagang alokasyon ng tubig ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System.
Ayon sa MWSS, ang 2 cubic meters per second (cms) na dagdag alokasyon para sa 50 cms ay mas mataas kaysa sa regular na 48 cms.
Ginawa ito ng NWRB upang mabawasan ang water interruption at upang matiyak na may sapat na tubig sa paparating na El Niño.
Nabatid na ang naturang water allocation ay bahagi ng water management system ng ahensya para mapanatili ang sapat na water level ng Angat Dam sakaling magpatuloy ang naturang phenomenon. —sa panulat ni Airiam Sancho