Humiling ng karagdagang pondo ang Commission on Elections (COMELEC) kaugnay sa panukalang “early voting” o maagang pagboto ng mga kuwalipikadong senior citizen, persons with disabilities (PWDs), abogado, at human resources for health sa national at local elections.
Ayon kay COMELEC Spokesman John Rex Laudiangco, “itemized” na kasi ang pondo ng komisyon at sapat lang ito para sa mga isinumiteng projects, programs, at activities sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA) ngayong taon.
Ang karagdagang pondo aniya ay gagamitin upang makakuha ng iba’t ibang voting centers bukod sa mga paaralan dahil ang mga iskedyul ng “early voting” ay maaaring makagambala sa mga klase.
Dagdag pa niya, gagamitin din ito para sa karagdagang honoraria ng mga electoral boards (EBs) at para na rin sanayin ang mas maraming guro, kawani ng gobyerno, at iba pang mamamayan na magsisilbi sa eleksyon. —sa panulat ni Jam Tarrayo