dzme1530.ph

Karagdagang P14.6-B loan para sa Davao City Bypass Construction Project, inaprubahan ng Pangulo!

Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang P14.6 billion na supplemental loan para sa Davao City Bypass Construction Project.

Sa meeting sa Malacañang ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board kung saan ang Pangulo ang nagsisilbing Chairman, inaprubahan ang mga pagbabago sa proyekto kabilang ang pagpapalawig ng implementasyon nito hanggang sa Dec. 31, 2027.

Dahil dito, umakyat na sa P70.8 billion ang total cost ng Davao City Bypass Construction Project, na inaasahang magpapa-ikli sa 49 minutes mula sa 1 hour and 44 minutes sa biyahe mula Davao City hanggang Panabo City at vice versa.

Samantala, kabuuang 23 bagong proyekto ang idinagdag sa infrastructure flagship projects, habang 36 naman ang inalis sa IFP list.

Kaugnay dito, nasa 185 na ang kabuuang bilang ng IFPs na nagkakahalaga ng P9.14 trillion, sa ilalim ng Build-Better-More Program.

About The Author