dzme1530.ph

Karagdagang immigration counter sa NAIA T3, inaasahang matatapos sa Disyembre

Inihayag ng Manila International Airport Authority (MIAA) na nakikipagtulungan sila sa Bureau of Immigration (BI) upang tuparin ang pangako nitong palawakin ang immigration area sa NAIA Terminal 3.

Ayon kay MIAA OIC Bryan Co, ang karagdagang 8 immigration counter ay gagawing available sa susunod na linggo kung saan aabot na sa kabuuang 44 na immigration counter ang bubuksan para sa pinaka-abalang terminal sa NAIA.

Target ng MIAA na matapos sa Disyembre ngayong taon, ang pagtatayo ng immigration annex na katabi lamang ng immigration counter sa NAIA Terminal 3, kung saan 24 pang immigration officer ang maaaring i-deploy.

Kapag natapos na ang immigration annex, ito na ang magsisilbing processing area para sa mga OFW, PWDs, senior citizens at diplomats.

Ang hakbang na ito ay naglalayon na mapabilis ang oras ng pagpoproseso upang makapagbibigay sa mga pasahero ng mas maraming oras upang magsagawa ng pre-boarding shopping o kumain sa mga kalapit na restaurant at food outlet sa paliparan. —sa ulat ni Tony Gildo, DZME News

About The Author