Nakapagtala ang Cabuyao City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ng karagdagang 34 estudyante ng Gulod National High School-Mamatid Extension ang nagkasakit matapos mawalan ng malay sa ginanap na surprise fire drill noong March 23.
Ito ang kinumpirma ni CDRRMO Chief Bobby Abinal Jr., makaraang papasukin pa ang mga estudyante matapos ang kautusan ni Mayor Dennis Hain sa principal na kanselahin muna ang klase habang isinasagawa ang imbestigasyon.
Paliwanag ni Abinal, isa-isang nahirapang huminga ang mga bata habang nasa loob ng classroom dahil sa gutom at dehydration.
Ani Abinal hindi nakipag coordinate ang paaralan sa Cabuyao LGU, CDRRMO, at BFP.
Samanatala, magkakasa naman ng imbestigasyon ang DOH-CALABARZON at nakikipag-ugnayan na ang Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) sa city at provincial counterparts hinggil sa naganap na surprise fire drill.