Nakapagtala ng karagdagang 16 nim na bagong kaso ng omicron subvariant XBB.1.16 o Arcturus ang bansa.
Sa latest Bio Surveillance Report ng Department of Health (DOH), na-detect ang lahat ng mga kaso sa Western Visayas.
Sa ngayon, umabot na sa 44 ang kabuuang kaso ng naturang subvariant sa Pilipinas.
Ang Arcturus ay sublineage ng XBB subvariant, na itinututing ng World Health Organization bilang variant of interest. —sa panulat ni Airiam Sancho