dzme1530.ph

Karagdagang 10k hanggang 15k na mga pasahero, inaasahan ng MIAA sa Holy Week

Loading

Karagdagang 10,000 hanggang 15,000 pasahero ang inaasahang dadagsa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Mahal na Araw.

Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Eric Ines, ang kanilang pagtaya ay batay sa pigura na naitala noong Holy Week ng nakaraang taon.

Aniya, noong Holy Week 2024 ay umabot sa kabuuang 1,040,707 passengers ang gumamit ng NAIA simula Linggo ng Palaspas hanggang Linggo ng Pagkabuhay.

Mas mataas aniya ito ng 12% kumpara sa 926,755 passengers na nai-record noong Mahal na Araw ng 2023.

Sinabi ni Ines na nitong nakalipas na dalawang linggo, ang average passenger volume sa NAIA ay nasa 135,000.

About The Author