dzme1530.ph

Karagdagang ₱10-B, mahalaga para sa pagbili ng palay at rehabilitasyon ng mga warehouse, ayon sa DA

Loading

Binigyang diin ng Department of Agriculture (DA) na mahalaga ang inaprubahang additional ₱10-B para sa rehabilitasyon ng warehouses ng National Food Authority (NFA) at para sa pagbili ng palay.

Sinabi ni DA Spokesperson, Assistant Secretary Arnel de Mesa, na ₱5-B ang inilaan para sa pagbili ng karagdagang dryers at millers.

Aniya, ₱1.5-B naman ang gagamitin para sa rehabilitasyon ng existing warehouses habang ₱3.5-B ang gagastusin para sa pagpapatayo ng mga bagong warehouse.

Inihayag ni de Mesa na mahalaga ang karagdagang pondo para sa pagbili ng NFA ng palay mula sa mga magsasaka, bunsod ng itinaas na target para sa national rice buffer stock ngayong taon.

About The Author