dzme1530.ph

Kapatawaran sa mga pait ng nakaraan, panawagan ng pangulo sa pagsisimula ng Ramadan

Umaasa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang pagsisimula ng buwan ng Ramadan ng mga Muslim bukas, March 12, ay itong magbibigay-daan sa pagbubukas ng puso ng mga Pilipino para sa kapatawaran sa mga pait ng nakaraan.

Sa kanyang mensahe, nanawagan ang Pangulo sa pagtutulungan para sa isang hinaharap na puno ng pagmamahalan at pagkaka-unawaan, at kung saan ang lahat ay nasisinagan ng liwanag ng pag-asa.

Umaasa rin ang Pangulo na ang Ramadan ang magpapatibay pa ng “kinship” o pagiging magkakadugo ng mga Pilipino.

Humiling si Marcos para sa makabuluhan at mataimtim na paggunita ng Ramadan o ang isang buwang pag-aayuno ng mga Muslim, na ito rin umanong nagpapa-alala sa mayamang kultura at pagpapahalaga sa relihiyon ng Pilipinas.

Matatandaang sa loob ng ilang dekada ay nabalot ng gulo at karahasan ang Mindanao dahil sa away ng mga Kristiyano at Muslim sa lupa at relihiyon.

About The Author