Nakikiisa ang Malacañang sa pagdiriwang ng National Literature Month ngayong buwan ng Abril.
Hinikayat ang mga Pilipino na isulong ang kapangyarihan ng panitikan upang magbigay-daan ito sa kapayapaan ng bansa at mga komunidad.
Sinabi pa ng Presidential Communications Office na kaisa sila sa pag-suporta sa mga alagad ng panitikan para sa isang maunlad at mapagpalayang Bagong Pilipinas.
Mababatid na sa ilalim ng Proclamation No. 968 series of 2015, idineklara ang buwan ng Abril bilang National Literature Month bilang pagpapahalaga sa papel ng Philippine Literature sa kasaysayan at kultura ng bansa.