dzme1530.ph

Kapalaran ni Pastor Apollo Quiboloy, nakasalalay na sa hudikatura ayon sa Pangulo

Nakasalalay na sa hudikatura ang kapalaran ng nahuling si Kingdom of Jesus Christ Founder Pastor Apollo Quiboloy.

Sa ambush interview sa Taguig City, inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang tanging magiging papel na lamang ng ehekutibo ay ang ipatupad ang anumang iu-utos ng Korte.

Katulad umano ito ng ginawang pagsisilbi ng arrest warrant ng mga pulis laban kay Quiboloy sa KOJC Compound sa Davao City.

Kaugnay dito, nasa kamay na umano ng hukuman ang kahihinatnan ng pastor.

Una nang sinabi ng Pangulo na dapat munang harapin ni Quiboloy ang mga kaso nito sa Pilipinas, bago ang posibleng extradition sa America kaugnay ng pagiging wanted ng FBI dahil sa mga kasong human trafficking at child abuse. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author