Ipinauubaya na ni Senate Committee on Public Services Chairperson Grace Poe sa Korte Suprema ang desisyon sa usapin kaugnay sa ipinatutupad na SIM Registration Law.
May kaugnayan ito sa petisyong inihain sa SC na nagpapatigil sa implementasyon ng bagong batas.
Inihayag ni Poe na nirerespeto niya ang proseso ng Supreme Court at umaasa siya sa katalinuhan at kagalingan ng mga mahistrado sa pagtalakay sa petisyon.
Idinagdag ng senador na siyang naging sponsor ng Sim Registration sa Senado, na pinagtrabahuhan at ipinaglaban nila nang husto ang pagpapasa ng batas na ito sa layung masugpo ang mga scam at spam na nambibiktima sa publiko at ang ilan ay nagreresulta pa sa financial losses ng naglalagay sa panganib sa isang consumer.
Ang batas na ito anya ay naglatag ng mga safeguard na magtitiyak ng right to privacy ng mga consumer habang tinitiyak ang pagkakaroon ng safe and secure mobile use