dzme1530.ph

Kapakanan ng mga manggagagawa, dapat iprayoridad sa mga programa ng gobyerno

Pagpapabuti sa kapakanan ng mga manggagawa sa gitna ng iba’t ibang sitwasyon ang naging sentro mensahe nina Senators Grace Poe at Risa Hontiveros ngayong Labor Day.

Sinabi ni Poe na sinasaluduhan niya ang dangal, husay at lakas na ipinapamalas ng mga manggagawa para itaguyod ang kanilang pamilya at pangarap.

Nahaharap pa rin anya ang karamihan sa kawalan ng seguridad sa trabaho at kahirapan, lalo na ang ating mga kababayang magsasaka, mangingisda, tsuper at mga contractual workers.

Kaya nananawagan ang senador sa mga employer na magbigay ng supplementary allowance o tulungan ang pamilya ng kanilang mga empleyado bukod pa sa pagpapatupad ng heat breaks, alternative work set-up, at iba pang hakbangin para sa mga empleyado sa gitna ng mainit na panahon.

Ipinaalala naman ni Hontiveros na hindi naman nagho-holiday ang pagpapatatag ng seguridad at proteksyon para sa mga manggagawa.

Nananawagan ang mambabataas para sa karagdagang proteksyon at benepisyo para sa mga delivery riders, construction workers, at manggagawa sa agriculture sectors na mas nakakararanas ng hirap sa trabaho dala ng matinding init ng panahon.

Nananawagan din si Hontiveros sa DOTR na patuloy na dagdagan ang suporta sa mga jeepney drivers, para na rin sa kapakanan ng ating mga pasahero at ng  transportation industry.

About The Author