dzme1530.ph

Kaori Oinuma, grumadweyt na sa high school matapos ang 10 taon

Proud na ibinahagi ng teen star na si Kaori Oinuma na nagtapos na siya ng high school matapos ang 10 taon.

Sa instagram post ni Kaori, inihayag nito ang kanyang #ProudMoment na sa wakas ay isa na siyang high school graduate ng Bartoleme Sangalang National High School sa Nueva Ecija.

Sinabi ng aktres na hindi naging madali ang kanyang journey dahil sampung taon din siyang nagpa ulit ulit ng pag-aaral bago nakapagtapos.

May mga pagkakataon pa aniya na nahihiya siya sa tuwing tinatanong ng mga tao kung bakit high school pa lang siya sa edad na 22, ngunit mas pinipili na lamang aniya na huwag pansinin ang mga ito.

Paalala ni Kaori sa kanyang mga fans, “life is not a race” kailangan lamang na yakapin mo kung anong meron ka at iyan ang magde-define ng iyong success sa buhay. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author