![]()
SUPORTADO ni Senador Imee Marcos ang deklarasyon ni Vice President Sara Duterte sa 2028 Presidential elections.
Sinabi ng senadora na tinupad lamang ni VP Sara ang hiling at panawagan ng kanyang mga taga-suporta na nagnanais na siya ay kumadidato sa pagka-Presidente sa 2028.
Sinabi pa ng senador na ang anunsyo ni VP Duterte ay kumukumpirma lamang ang takot ng kanyang mga makakalaban.
Iginiit ni Marcos na si VP Sara ang katauhan na kabaligtaran ng kasalukuyang administrasyon at magbibigay ng direksyon sa isang bansa na walang patutunguhan.
Naniniwala rin ang mambabatas na ang bise presidente ay nagtataglay ng mga solusyon para sa bansa dahil sa tapang at malasakit nito tulad sa kanyang ama bitbit ang mga karanasan sa pagtulong sa mga mahihirap at mga pinagmalupitan.
