Pinakakansela sa Comelec ang Certificate of Candidacy ng nakakulong na founder ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Apollo Quiboloy bunsod ng “material misrepresentation.”
Sa 7-pahinang petisyon na isinumite ni Labor Leader Sonny Matula at ng Workers’ and Peasants’ Party, nakasaad na walang “factual and legal basis” ang nominasyon ni Quiboloy bilang kandidato ng partido.
Nag-ugat ang petisyon mula sa inihaing kandidatura ng KOJC founder kung saan pirmado umano ni Matula ang Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) nito, na mariin namang itinanggi ng labor leader.
Binigyang diin din sa petisyon na ang paggamit ng hindi awtorisadong CONA sa Pilipinas ay isang serious election offense at maaring magresulta sa disqualification. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera