“Tuloy ang pagtakbo ng AGRI Partylist sa midterm elections sa May 12.”
Ito ang paglilinaw ni AGRI Partylist Rep. Wilbert “Manoy” Lee, matapos nitong isapubliko ang pag-atras sa 2025 Senate race.
Ayon kay Manoy Wilbert, ang withdrawal lang sa Senate race ang tinatapos nito ngayon, subalit ang AGRI Partylist na kanyang kinaaaniban ay magpapatuloy sa kandidatura at serbisyo sa mga magsasaka, mangingisda at nangangailangang sektor.
Pagtitiyak pa ni Manoy Wilbert, ipagpapatuloy niya sa personal nitong kapasidad ang adbokasiya sa pagbibigay ng libreng gamot at pagpapagamot.
Ngayong hindi na umano siya kandidato, mas lalo nitong matututukan ang adbokasiyang ito, at maka-iikot sa maraming lugar sa bansa.