Pinaalalahanan ni Sen. Risa Hontiveros ang kampo ni Vice President Sara Duterte na mas makabubuting simulan nila ang pagpe-presinta ng kanilang panig sa pagsagot sa summons ng Senate Impeachment Court.
Sinabi ni Hontiveros na hinihintay na ng lahat ang magiging tugon ng Bise Presidente sa mga alegasyon laban sa kanya.
Ito ay bilang reaksyon ng senadora sa mga nakalipas na pahayag ni VP Sara Duterte kaugnay sa takbo ng impeachment process.
Kasabay nito, tiniyak ni Hontiveros na bilang senator-judge ay titingnan niyang maigi ang lahat ng ebidensya na ipepresenta sa impeachment trial.
Ipinaliwanag ng mambabatas na bilang senator-judge, naging tungkulin nila sa Senado na suriin at bumoto batay sa bigat ng ebidensiya na ilalahad ng magkabilang panig sa impeachment trial.
Nangako siyang susundin ang tungkulin na nakaatang sa kanila at inaasahan din niyang ganito rin ang gagawin ng ibang senador.