![]()
Kinumpirma ng kampo ni Vice President Sara Duterte na naghain sila ng bagong petisyon sa Korte Suprema upang kuwestyunin ang hurisdiksyon ng House Committee on Justice sa impeachment laban sa kanya.
Nakasaad din sa petition for certiorari and prohibition ang pagpapatigil ng proseso.
Ayon kay Atty. Michael Poa, tagapagsalita ng Bise Presidente, layon ng kanilang hakbang na linawin ang fundamental constitutional questions sa impeachment.
Hindi anya nila iniiwasan ang proseso subalit nais lamang nilang matiyak na alinsunod ito sa Konstitusyon.
Binigyang-diin ni Poa na ang Kamara ay may kapangyarihan na mag-initiate ng impeachment subalit ito ay may limitasyon.
