dzme1530.ph

KAMPO NI VICE PRESIDENT SARA, HANDANG BIGYANG LINAW ANG PAGGAMIT NG MGA ALYAS SA CONFIDENTIAL FUNDS

Loading

Handa ang defense team ni Vice President Sara Duterte na ipaliwanag ang paggamit ng mga alyas para sa confidential funds.

 

Kagaya na lamang ni “Mary Grace Piattos” na naging isa sa mga basehan para sa impeachment complaints na isinampa laban sa Bise Presidente.

 

Sinabi ni Michael Poa, spokesperson ng defense team ni Duterte, na noong nakaraang taon pa sila handang sumagot.

 

Sa kasalukuyan aniya ay mino-monitor ng kanilang team ang posibleng hakbang ng kamara sa dalawang impeachment complaints laban kay Vice President Sara.

About The Author