Iginiit ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Supreme Court (SC) na “dinukot” siya at hindi sapat ang lokal na batas para payagan siyang ilipat sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.
Batay ito sa isinumiteng traverse comment sa SC ang anak ng dating pangulo na si Veronica “Kitty” Duterte sa pamamagitan ng kanyang abogado na si Salvador Panelo.
Tinukoy ng nakababatang Duterte sa naturang komento ang RA No. 9851 o Philippine International Humanitarian Law.
Inakusahan din ni Kitty ang mga respondent na ginamit ang ICC, at nilabag ang karapatan ng kanyang ama, para lamang aniya sa political gain.