dzme1530.ph

Kampanya ng PDP-Laban, pilay sa pagkakaaresto kay dating Pangulong Duterte

Loading

Aminado si Sen. Christopher “Bong” Go na napilayan ang kanilang kampanya para sa midterm elections matapos ang pagkakaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Go na malaking kawalan ang dating Pangulo sa kanilang kampanya dahil sa presensya nito ay maraming tao ang dumadalo sa kanilang rallies.

Subalit kailangan pa rin aniya nilang magpatuloy at nagsisilbing gabay na lamang ang bilin sa kanila ng dating Pangulo na kailangang magserbisyo at unahin ang trabaho para sa taumbayan.

Iginiit ni Go na palagi niyang inspirasyon sa pagtulong at patuloy na pagseserbisyo ang mga pahayag ng dating Pangulo na unahin palagi ang kapakanan ng mga Pilipino.

About The Author