Inumpisahan na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kanilang hakbang laban sa “Tuklaw” o black cigarettes, kasunod ng viral video kung saan nakitang nanginginig o nangingisay ang ilang gumagamit nito.
Babala ng ahensya, ikukulong at kakasuhan ang mga indibidwal na gumagamit at nagbebenta ng black cigarettes.
Ayon kay PDEA Dir. Gen. Isagani Nerez, ang black cigarettes na mula sa Palawan at Quezon City ay positibo sa synthetic ingredient na tinawag na cannabinoid, na ikinukonsiderang dangerous drug.
Nakatutok din ang PDEA sa pag-iimbestiga kung saan nanggaling ang Tuklaw, bagaman batay sa kanilang impormasyon, nagmula ito sa ibang bansa.