Nanawagan sa National Bureau of Investigation at pulisya si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, na paigtingin ang kampanya laban sa fake news vloggers na binabayaran ng ilang pulitiko para siraan ang mga kalaban sa pulitika.
Ayon kay Barbers, chairman ng Quad Comm at Dangerous Drugs panel, kinuha na rin ng mga lokal na pulitiko ang serbisyo ng vloggers para i-demolish ang mga katunggali sa halalan.
Inihalimbawa nito ang karanasan nila sa local vloggers sa Surigao del Norte na nag-fabricate ng kwento na nagmula umano sa PDEA kung saan idinidikit nito ang kanyang pangalan at kapatid na si Gov. Lyndon Barbers sa illegal drugs activity.
Hiling ng Mindanaoan solon, bago man lang sana sumapit ang May 12, may masampahan na ng kaso ang PNP o NBI.
Biglaan umano ang pagsulpot ng tinawag nitong “local neophyte mercenary vloggers, na nagmamanipula ng video interview at nagpapa-kalat ng fake news kapalit ng pera.