dzme1530.ph

Kampanya kontra human trafficking, dapat pang paigtingin

Nanawagan si Senate President Pro Tempore Loren Legarda sa gobyerno na paigtingin pa kampanya laban sa human-trafficking sa bansa.

Sa kabila ito ng ulat ng US State Department na nananatili ang Pilipinas sa Tier 1 ranking sa paglaban sa human trafficking.

Nagpapasalamat si Legarda sa pamahalaan dahil sa patuloy na pagtaguyod ng mga programa at patakaran para labanan ang paglaganap ng human trafficking sa bansa.

Upang mapanatili ang magandang ranking ng bansa laban sa krimen na human-trafficking, dapat anyang tuluyang mawakasan na ang krimen upang wala nang maaabuso ng mga sindikato.

Inirekomenda ng senadora ang patuloy na paghahanap ng paraan na maiangat mula sa epekto ng kahirapan ang mga mahihirap na Pilipino. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author