dzme1530.ph

Kamara, umapela ng respeto sa gitna ng banat kay Speaker Romualdez

Loading

Umapela ng respeto ang mga kongresista mula sa mga senador na tahasang inaatake si House Speaker Martin Romualdez at ang mismong institusyon.

Ayon kina Manila third district Rep. Joel Chua at Lanao del Sur Rep. at House Deputy Majority Leader Zia Alonto Adiong, hindi sila bababa sa lebel ng mga senador lalo na kay Sen. Imee Marcos.

Giit ng dalawa, walang politika sa impeachment ni VP Sara Duterte kundi pagsunod sa utos ng Saligang Batas sa pagpapanagot sa mga nagkakasalang opisyal.

Umalma naman sina Senior Deputy Speaker Jay Jay Suárez, Deputy Speakers Jefferson Khonghun, Paolo Ortega at Rep. Jude Acidre ng TINGOG Party-list sa patutsada ni Sen. Marcos na si Speaker Romualdez ang dapat palitan.

Pinayuhan ng mga ito si Sen. Marcos na mag-focus na lamang sa kanyang tungkulin at huwag pakialaman ang internal affair ng Kamara.

Mensahe ng mga kongresista sa senadora, si Romualdez ay iniluklok ng 269 House members, at maliwanag na may popular support, respetado at matinong lider ng Mababang Kapulungan.

About The Author