Bukas si House Speaker Martin Romualdez na madagdagan ang pondo ng PNP para maisulong ng maayos ang digitalization nito.
Pinuri ng House Leader ang PNP sa pamumuno ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil sa mabilis na aksyon laban sa 9 na pulis ng Eastern Police District na nasangkot sa extortion activities.
Ayon kay Romualdez, ang mabibilis na aksyon gaya nito ang magpapanumbalik sa tiwala ng publiko sa pulisya.
Ang susi aniya dito ay ang pagpapakita ng ‘leadership by example.’
Saad pa ni Romualdez, kapag ang pinuno ay transparent, matapat, epektibo at may malasakit, ang mga kumander at personnel hanggang sa ibaba ay susunod at gagawin din ang magagandang values na ipinapa-malas ng isang namumuno.
Naniniwala si Romualdez na maraming pagbabago ang mangyayari sa PNP pangunahin dito ang digitalization kung saan pondo lamang ang kulang.