Inihayag ni House Speaker Martin Romualdez na buo ang suporta ng Kamara sa Executive Order No. 39, o ang Imposition of Mandated Price Ceiling sa bigas.
Ayon kay Romualdez ang ‘decisive action’ ni PBBM para matiyak ang ‘access at affordable’ supply ng bigas ay kailangan at napapanahon.
Kailangan aniyang protektahan ang taumbayan sa biglaang pagtaas ng presyo ng bigas.
Nagtutulungan din umano ang kamara, Department of Agriculture, DTI at BOC sa mga hakbangin para maresolba ang “external global events at internal market manipulations.”
Patuloy pa umano ang imbestigasyon ng Kamara laban sa hoarding at price manipulation hindi lamang sa bigas kundi sa lahat ng basic agricultural at food products.
Dagdag pa ni Romualdez, sa tulong ng executive branch, nais nilang makabuo ng sistema at mekanismo na magsusulong sa consumer welfare, fair market competition at mag-aalis sa ‘unscrupulous practices’ na nakasasama sa ekonomiya at taumbayan. –sa ulat ni Ed Sarto, DZME News