dzme1530.ph

Kamara, susunod sa polisiya ng Pangulo sa posibleng pagbalik ng Pilipinas sa ICC

Susunod ang Kamara de Representantes sa anomang polisiya na nais itaguyod ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kaugnay sa posibleng pagbalik ng Pilipinas bilang miyembro ng International Criminal Court (ICC).

Tugon ito ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez nang tanungin sa naging pahayag ng Pangulo na pinag-aaralan nito kung babalik ang Pilipinas sa ICC.

Nagpaliwanag din ang lider ng kamara na saloobin lamang ng mga mambabatas ang tatlong resolusyon na inihain na nananawagan sa pamahalaan na payagan ang ICC na magsagawa ng imbistigasyon sa madugong War on Drugs noong administrayon ni Former President Rodrigo Duterte.

Matatandaang noong nakaraang linggo ay nagdaos na ng hearing ang Committees on Justice at Human Rights para sa inihaing resolusyon.

Gayunman, ipinagpaliban ang pagdinig para ipatawag ang mga ahensya ng gobyerno at pamilya ng mga naging biktima ng War Against Illegal Drugs.

—Ulat ni Ed Sarto, DZME News

About The Author