Tiniyak ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang suporta ng Kamara sa mga manggagawang Pilipino.
Sa pagdalo ni Romualdez sa paggunita ng 102nd birth anniversary ni Atty. Democrito Mendoza, ang nagtatag ng Associated Labor Union–Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP), iginiit niya ang patuloy na pagsuporta ng Kongreso sa karapatan at kapakanan ng mga manggagawa.
Ayon kay Romualdez, ipagpapatuloy ng Kamara ang pagsusulong ng mga panukalang batas para sa proteksyon ng mga manggagawa, kabilang na ang pagtiyak sa disenteng pasahod.
Inilarawan din niya si Atty. Mendoza bilang isang “guiding light” sa milyun-milyong manggagawang Pilipino at itinuturing na “father figure” ng sektor ng paggawa sa buong bansa.