dzme1530.ph

Kamara, pormal na ipinagpaliban ang ibinalik sa kanilang articles of impeachment laban kay VP Duterte

Loading

Pormal na ipinagpaliban ng Kamara ang pagtanggap sa Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte na ibinalik ng Senado, sa pamamagitan ng resolusyon na inadopt ng Mababang Kapulungan.

Sa plenary session, inadopt ang House Resolution no. 2346, na nagse-sertipikang ang impeachment proceedings na sinimulan ng Kamara noong Feb. 5 ay tumalima sa mga probisyon ng 1987 Constitution.

Ang resolusyon ay inihain nina Majority Leader Manuel Jose Dalipe, Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr., at Deputy Speaker David Suarez.

Kasunod ng move ni Deputy Majority Leader Faustino Dy V, na mag-isyu ng certification ang secretary general, nag-motion din ito na i-defer ang pagtanggap sa articles matapos i-adopt ang HR no. 2346.

Ito aniya ay hanggang sa tumugon ang Senate impeachment court sa clarificatory queries ng panel of prosecutors na may kaugnayan sa remand ng subjects sa articles.

About The Author