dzme1530.ph

Kamara, pinayuhang tumalima sa atas ng impeachment court

Loading

PINAYUHAN ni dating Senate President Franklin Drilon ang Kamara na tumalima sa utos ng Senate Impeachment Court upang hindi ito maging dahilan upang maantala ang proseso laban kay Vice President Sara Duterte.

 

Partikular na tinukoy ng dating senador ang atas ng Impeachment Court na magsumite ng certification na naayon sa konstitusyon ang pagsasampa ng articles of impeachment laban sa Bise Presidente gayundin ang pagtiyak na isusulong pa rin ng Kamara ang proseso sa 20th Congress.

 

Sinabi ni Drilon na wala nang dapat ganitong sertipikasyon dahil dapat ay mayroong presumption of regularity sa mga ginagawa ng Kamara kabilang nag pagtugon sa constitutional requirement sa paghahain ng impeachment complaint.

 

Ipinaliwanag ng dating senate leader na kapag hahayaan ang Impeachment Court na kwestyunin ang pagkabuo ng reklamo, magiging tanong din kung maaaring busisiin ang lahat ng ginawa ng Kamara tulad ng pagkalapp ng boto para mabuo ang articles of impeachment.

 

Subalit kung hindi naman anya tatalima ang Kamara sa atas ng Impeachment court, posibleng magkaroon ng dahilan ang Senado upang hindi magsagawa ng paglilitis.

 

Posible anyang magsampa ng petisyon sa Korte Suprema sa pamamagitan ng mandamus, upang utusan ang Senado na magsagawa ng paglilitis pero kakain anya ito ng oras.

 

Kung ididismiss anya ng Senado ang reklamo, magiging unconstitutional at grave abuse of discretion at may kapangyarihan nag Supreme Court na baligtarin ang desisyon at utusan ang Senado na magdaos ng trial.

 

Hanggang ala-siete ng gabi maghihintay ang Senado upang tanggapin ang sagot ng kampo ni Vice President Sara sa summon sa kanya ng impeachment court.

About The Author