Pinagtibay ng Kamara ang dalawang mahalagang resolusyon para sa transparency sa badyet at pagtutok sa mga kontrobersyal na isyu.
Sa sesyon nitong Martes, pormal na in-adopt ang House Resolution 94 na inakda ni House Speaker Martin Romualdez at TINGOG Party-list para sa pagpapatupad ng “open bicam” sa 2026 National Budget.
Layunin nitong maging bukas sa third-party observers, gaya ng mga people’s organization at budget watchdogs, ang deliberasyon ng bicameral conference committee, upang mapawi ang agam-agam sa posibleng budget insertions.
Kasabay nito, pinagtibay din ng Kamara ang House Resolution 106 para sa muling pagbuo ng Quad Committee 2.0.
Tututok ang Quad Comm 2.0 sa mga isyu ng extrajudicial killings, illegal drugs, POGO operations, at mga nawawalang sabungero.
Binubuo ito ng apat na komite: Committee on Human Rights, Dangerous Drugs, Public Order and Safety, at Public Accounts.