dzme1530.ph

KAMARA, PINAGKOKOMENTO NG SUPREME COURT SA MGA PETISYONG HUMIHILING NA IPATIGIL ANG IMPEACHMENT LABAN KAY VP SARA

Loading

Walang inilabas na temporary restraining order ang Korte Suprema laban sa impeachment proceedings ng Kamara laban kay Vice President Sara Duterte.
 
Sa halip, binigyan ng 10 araw ng Kataas-taasang Hukuman ang House Justice Committee upang magkomento sa mga petisyong humihiling na ipatigil ang impeachment proceedings.
 
Ayon kay Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Ting, kinonsolida ng mga mahistrado ang lahat ng petisyong may kaugnayan sa impeachment sa bise presidente.
 
Kabilang sa mga nagpetisyon sa Korte Suprema ang mga abogadong sina Israelito Torreon, Vic Rodriguez, Rescie Angelie Rizada-Nolasco, Marti Delgra III, Wendel Avisado, James Patrick Bondoc, Raul Lambino, Luna Maria Acosta-Manlitoc, Jesus Hinlo Jr. at Dr. Richard Mata.
 
Naghain din ng hiwalay na petisyon ang Bise Presidente nitong Marso 30.
 
Sinabi ng kampo ng Bise Presidente na ang kanilang petisyon ay hindi naglalayong iwasan ang proseso subalit nais lamang linawin ang mga constitutional questions.

About The Author