dzme1530.ph

KAMARA, PINAG-AARALANG AMYENDAHAN ANG IMPEACHMENT RULES KASUNOD NG DESISYON NG SUPREME COURT SA KASO NI VP SARA DUTERTE

Loading

Kinumpirma ni Manila Cong. Joel Chua na pinag-uusapan na ng House Committee on Justice ang pag-amyenda sa impeachment rules  dahil sa desisyon ng Korte Suprema.

Si Chua ay kabilang sa prosecution team na sasabak sana sa impeachment trial sa Senado kung natuloy ang paglilitis kay Vice President Sara Duterte.

Kailangan din umano nilang konsultahin ang mga kasamahang mambabatas maging ang complainants sa planong baguhin ang Rules on Impeachment at iakma ito sa SC decision.

Hindi lamang ang Rules on Impeachment ang mababago, kundi maging ang komposisyon ng Presecution Team.

Aminado si Chua na kahit na hindi niya sinasangayunan ang SC ruling, kailangan pa rin nilang sumunod bilang isang abogado at officer of the court.

Maging si Cong. Jonathan Keith Flores, vice chairman ng Committee on Justice at member ng House Panel of Prosecutors ay nagsabi na kailangan nilang makinig sa Korte Suprema.

About The Author