dzme1530.ph

Kamara, nanawagan sa UNGA na igiit ang arbitral ruling laban sa China

Loading

Isang resolusyon ang nananawagan sa Department of Foreign Affairs na hikayatin ang United Nations General Assembly (UNGA) na igiit sa China ang pagrespeto sa 2016 Arbitral Ruling kaugnay ng West Philippine Sea (WPS).

Layunin ng House Resolution No. 192, na inakda ng mga kongresista mula sa Liberal Party (LP), na makialam ang UNGA upang mapatigil ang mga panggigipit at agresibong aksyon ng China sa WPS.

Aminado si Mamamayang Liberal Rep. Leila de Lima na hindi ito legally binding, subalit may political weight aniya kung sa UNGA ito magmumula dahil magiging consensus ito ng international community.

Maaari rin umanong maimpluwensyahan ng resolusyon ang national policies at makabuo ng international norms na gagabay sa iba pang tungkulin ng UN organs, specialized agencies, at regional organizations.

Dagdag pa ni de Lima, hindi na dapat lumala ang tensyon sa WPS lalo at maraming bansa ang sumusuporta sa Pilipinas dahil sa arbitral ruling.

Bagama’t malaki ang impluwensya ng China sa United Nations, iginiit nitong hindi ito dapat maging hadlang sa mga legal na hakbang.

About The Author