![]()
Tiniyak ni House Deputy Speaker Paolo Ortega V na nanatiling firm ang Kamara sa pagiging productive institution kahit na may ongoing impeachment proceedings.
Pahayag ito ni Ortega bilang bwelta sa sinabi ni Vice President Sara Duterte na habang lubog ang bansa sa pagsipa ng presyo ng petrolyo, silang mga kongresista ay impeachment ang inaatupag.
Paglilinaw nito, hindi pinaparalisa ng impeachment ang legislative momentum ng Kamara.
Ginagampanan lamang nila ang constitutional duty, kasabay ng pagdeliver ng resulta o output.
Hindi aniya matatawaran ang kombinasyon nina Speaker Faustino “Bojie” Dy III at Majority Leader Sandro Marcos na operating on “two tracks at full speed”—ang legislation at accountability.
Pagdidiin ni Ortega, hindi pwedeng ipagpaliban ang pananagutan, pero hindi rin pwedeng pabayaan ang pangangailangan ng taumbayan.
Patunay ng excellent output ng Kamara ay ang approval ng 18 out of 52 LEDAC priority measures bago ang Holy Week break noong March 18, 2026.
