dzme1530.ph

Kamara, nagdadalamhati sa pagpanaw ni dating Congressman Bayani Fernando

Nagdadalamhati ang buong Kamara de Representantes sa pagyao ni dating Congressman at Mayor Bayani Fernando o mas kilala sa tawag na BF.

Ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, mabigat sa kanya ang pagpapaabot ng pakikidalamhati sa pamilya Fernando sa pagyao ng kanilang padre de pamilya.

Inilarawan nito si BF bilang ‘dedicated public servant’ hindi lang sa mga taga Marikina kundi sa buong Metro Manila ng pamunuan nito ang Metropolitan Manila Development Authority.

Kalungkutan din ang nadama ni Bagong Henerasyon Rep. Bernadette “BH” Herrera sa pagka wala ng kanyang kaibigan at ka-batchmate noong 17th at 18th Congress.

Itinuturing umano nila si BF na isang “public servant heroes” dahil sa naiiba nitong istilo sa pagseserbisyo bilang local government official.

Ilan aniya sa kinagiliwan nila kay BF ay ang sense of humor nito, pagiging straightforward at honest, samantalang ang pinaka ayaw nito ay mga taong “nonsense, inefficient at nagsasayang ng oras.

Panghihinayang din ang mensahe ng Nationalist People’s Coalition sa pagkawala ng tinawag nilang ‘sterling member and public service exemplar’ na si BF.

Ayon kay NPC stalwart Cong. Mark Enverga, si FB ang nag set ng “high standard” sa partido at ang brand of public service nito ang isa sa kanilang benchmark sa NPC.

Inalala naman ni BHW Party-List Rep. Natasha Co ang dating kasamahan sa minority bilang mapag-paalala sa pagkain ng ‘healthy foods.

Ayon kay Co, ang pinaka nagmarka sa kanila na tatak Bayani Fernando ay ang pagiging maalaga nito, generous lalo na sa pagbabahagi ng kaalaman at karanasan sa paglutas ng problema. –Ulat ni Ed Sarto, DZME News

About The Author