Aprubado na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang opisyal na legislative calendar para sa unang regular na sesyon ng 20th Congress.
Batay ito sa House Concurrent Resolution No. 2 na pirmado nina Majority Leader Ferdinand Alexander Marcos at Minority Leader Marcelino Libanan.
Ayon sa kalendaryo, pormal na nagsimula ang sesyon noong July 28, 2025 at tatagal hanggang Oktubre 3.
Magsisimula ang unang adjournment mula Oktubre 4 hanggang Nobyembre 9, habang itinakda ang pagpapatuloy ng sesyon sa Nobyembre 10 hanggang Disyembre 19.
Muling mag-a-adjourn ang sesyon mula December 20, 2025 hanggang January 18, 2026, at magbabalik sa January 19 hanggang March 20.
Pagkatapos nito, mag-a-adjourn muli mula March 21 hanggang May 3, at muling magpapatuloy ang sesyon mula May 4 hanggang June 5, 2026.
Ang sine die adjournment o pormal na pagtatapos ng sesyon ay itinakda mula June 6 hanggang July 26, 2026.