dzme1530.ph

Kamara In-adopt ang HB 1562 na sumusuporta kay Speaker Romualdez

Pormal na in-adopt ng Plenaryo ng Kamara ang House Resolution 1562, ang resolusyon na naghahayag ng buong suporta kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na inaakusahang nasa likod ng People’s Initiative (PI) campaign.

Ang HR 1562 ay pirmado ng 286 Representatives mula sa iba’t ibang grupo at partido sa Kamara.

Sa resolusyon, ipinagtanggol ng mga mambabatas si Romualdez sa iba’t-ibang atake kabilang ang anila paglabag sa inter-parliamentary courtesy sa pagitan ng Senate at House.

Tinuligsa rin ng mga kongresista ang anila ‘confrontational tactics’ na pamamaran ng Senado na nakakaapekto sa parliamentary processes.

Sa manifestation ni Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales, Jr., sinabi nito na sa mga pag-atake at confrontational stance ng Senado, naninindigan sila at nagkakaisa sa pagsuporta kay Romualdez bilang kanilang leader kasabay ng pag-uphold sa integridad at dangal ng Kamara bilang institusyon.

Bukod kay Gonzales, nagbigay din ng kanilang suporta sa ngalan ng kanilang partido sina Majority Leader Mannix Dalipe ng Lakas-CMD, Reps. Ace Barbers ng NP, L-Ray villafuerte ng NUP, Jack Duavit ng NPC, Bong Teves ng Partylist groups, at si Cong. Gabriel Bordado mula sa Minority bloc.

–Sa panulat ni Ed Sarto, DZME News

About The Author