dzme1530.ph

Kamara, iaapela ang ruling ng SC na nagpapawalang-bisa sa articles of impeachment laban kay VP Sara Duterte

Loading

Inihahanda na ng House of Representatives ang kanilang ihahaing motion for reconsideration kaugnay ng desisyon ng Supreme Court na nagpapawalang-bisa sa impeachment ni Vice President Sara Duterte.

Ikinatwiran ng Kamara na ang ruling ng Kataas-taasang Hukuman ay ibinase sa anila ay incorrect findings na taliwas sa official records.

Sinabi ni House of Representatives spokesperson, Atty. Princess Abante, na matapos ang kanilang masusing pag-aaral ay nadiskubre nila na ang mga naging basehan ng desisyon ng Kataas-taasang Hukuman ay nakaaalarma.

Una nang idineklara, unanimously, ng Korte Suprema na unconstitutional ang articles of impeachment laban kay VP Sara at nagpatupad ng one-year ban, sa pagsasabing nilabag nito ang right to due process.

About The Author