dzme1530.ph

Kamara, hinimok na iadopt na lang ang ₱100 legislated wage hike bill ng Senado

Loading

Hinimok ni Sen. Juan Miguel Zubiri ang Kamara na iadopt na lamang ang inaprubahang legislated wage hike bill ng Senado upang maihabol nila bago magtapos ang 19th Congress.

Ipinaliwanag ni Zubiri na mas malaki ang tiyansa na maipapasa ang batas at hindi maiveveto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ₱100 na dagdag sa minimum wage kumpara sa ₱200 umento.

Ikinuwento pa ni Zubiri na batay sa kanyang pakikipag-usap sa mga negosyanteng kinabibilangan ng mga may-ari ng piggery, poultry at livestock farming, marami sa kanila ang nagsabi na hindi nila kaya ang ₱200 na umento.

Idinagdag pa ng mga ito na kung pupuwersahin aniya sila ay posibleng magsara na lamang sila o magbawas ng mga tauhan.

Banta pa ng senador na kung ipipilit ang ̈́₱200 ay isasabotahe lamang nito ang ipinasang ₱100 legislated wage hike ng Senado.

Hanggang sa mga oras na ito naman ay naghihintay ang Senado na maisumite sa kanila ang inaprubahang panukala ng Kamara para maitakda ang bicam meeting.

About The Author