Handa nang bumalik sa face to face session ang Kamara de Representantes sakaling tuluyang alisin ang Public Health Emergency.
Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, hinihintay na lamang nila ang opisyal na deklarasyon mula sa Office of the President para sa pag-lift ng public health emergency declaration laban sa COVID-19.
Pag nangyari ito, sinabi ni Velasco na magiging mandatory na ang personal na pagdalo ng mga kongresista sa lahat ng pagdinig sa Komite at sesyon.
Katunayan pag-amin ni Velasco, may ilang Komite na ang mas pinapaboran ang face to face hearing kumpara sa hybrid o pinagsamang Zoom at in-person public hearing.
Sa ngayon, habang papalapit ang pagbubukas ng 2nd regular session at SONA sa July 24, hybrid set-up pa rin ang pinaiiral. —sa ulat ni Ed Sarto, DZME News