Plano ng House Committee on Public Order and Safety, sa pangunguna ni Chairperson Rolando Valeriano, na magsagawa ng pagdinig hinggil sa umano’y “unsolicited proposal” na nagkakahalaga ng ₱8 bilyon para sa pagbili ng armas sa pagitan ng Philippine National Police (PNP) at Department of the Interior and Local Government (DILG).
Ayon kay Valeriano, iimbitahan sa pagdinig si dating PNP chief Police General Nicolas Torre III. Dagdag pa nito, posibleng simulan ang inquiry sa susunod na linggo.
Nilinaw naman ni Valeriano na walang nakalaang pondo para sa pagbili ng armas sa 2025 at 2026 budget, kaya’t nananatiling palaisipan kung saan nagmula ang naturang usapin.
Una nang itinanggi ni DILG Sec. Jonvic Remulla na nagkaroon sila ng hidwaan ni Torre kaugnay ng umano’y procurement bid.