Mamamahagi ng bigas at financial aid sa tinatayang 2.5-M Filipinos sa loob ng 2-linggo ang Kamara katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ang rice distribution ay in-line sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. na ihatid sa mga nangangailangan ang mura subalit dekalidad na bigas.
Ayon kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez, sisimulan nila ang pamamahagi dito sa NCR katuwang ang 33-Metro Manila lawmakers at si DSWD Sec. Rex Gatchalian.
10,000 indigent individuals ang unang makakatanggap ng rice assistance, kasama ang senior citizens, solo parents at person with disability.
Bawat isa sa mga ito ay tatanggap ng P1,000 at 15 kilo ng bigas na nagkakahala ng P500 hanggang P600.
Gagamitin din umano ang kahalintulad na mekanismo sa pamimili ng palay derekta sa mga palay growers.
Tiniyak din ni Romualdez na hindi ito “one-shot deal” dahil magiging bahagi na ito ng AICS program ng DSWD. –sa ulat ni Ed Sarto, DZME News