dzme1530.ph

Kaligtasan ng Pinoy seafarers sa gitna ng girian ng Iran at Israel, pinatitiyak

Loading

Hinikayat ni Sen. Sherwin Gatchalian ang pamahalaan na tiyakin din ang kaligtasan ng mga Filipino Seafarers sa gitna ng giyera sa pagitan ng Iran at Israel.

Ito ay kasabay ng pagdiriwang ng Day of the Filipino Seafarer ngayong araw na ito.

Ipinaalala ni Gatchalian na mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga Seafarers sa takbo ng ekonomiya ng buong mundo.

Ngunit nalalagay din sila sa panganib ngayon sa Iran-Israel conflict dahil apektado ang mga ruta ng mga barko tulad ng Strait of Hormuz na saklaw ng Iran, Oman at United Arab Emirates.

Binigyang-diin ng mambabatas na dapat maipatupad nang maayos ang Magna Carta for Seafarers upang matiyak ang kanilang kaligtasan at maayos na kondisyon sa gitna ng mga panganib at hamon sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa pagtaya, nasa 400 hanggang 500,000 Filipino Seafarers ang naka-deploy sa buong mundo na katumbas ng 25-30% ng kabuuan ng seafarers sa buong mundo.

About The Author