dzme1530.ph

Kaligtasan ng OFWs sa Middle East sa gitna ng pag-atake ng Iran sa Israel, pinatitiyak

Pinatitiyak ni Sen. Francis Tolentino sa Department of Foreign Affairs at sa Department of Migrant Workers ang kaligtasan ng mga Overseas Filipino Workers sa Middle East sa gitna ng pag-atake ng Iran sa Israel.

Sinabi ni Tolentino na dapat iprayoridad ang mga OFW na nasa Israel na nangangailangan ng tulong mula sa Gobyerno.

Binigyang-diin ng senador na dapat matiyak ang kaligtasan ng mga Pinoy sa Middle East at kung kinakailangan ay ma-repatriate na agad upang maiwasan na may mawalang buhay kapag lumala pa ang sitwasyon doon.

Tiwala si Tolentino sa kakayahan ng DFA at DMW dahil tiyak na may nakahanda na ang mga itong contingency plans para sa ating mga kababayanna naiipit sa giyera.

Dapat anyang tiyakin ang bilang ng mga OFW at mga permanent residents sa bawat bansa sa Middle East.

Kailangan anyang i-assess kung gaano kadelikado ang kanilang lugar at kung anong aksyon ang maaaring gawin kapag naaapektuhan sila ng kaguluhan sa Israel.

Batay sa Record ng DFA noong 2020, ay nasa 2.21 million ang OFW sa 16 na bansa sa Middle East.

About The Author