dzme1530.ph

Kaligtasan ng mga turista, pinaiiral ng DOT sa gitna ng masamang panahon

Loading

Pinayuhan ng Department of Tourism (DOT) ang mga turista na unahin ang kanilang kaligtasan sa gitna ng nararanasang masamang lagay ng panahon sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa inilabas na advisory, hinimok ng ahensya ang publiko na suriin muna ang kanilang travel status bago tumuloy sa kanilang mga biyahe.

Pinaalalahanan din ang mga turista na manatiling nakaantabay sa mga travel advisories at weather bulletins mula sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno upang maging gabay sa kanilang mga plano, lalo na kung patungo sa mga lugar na apektado ng masamang panahon.

Tiniyak naman ng DOT na handang tumulong ang ilang tourism-related establishments sa mga turistang maapektuhan ng bagyo at habagat.

About The Author